what’s inside of me…
November 10, 2008
You have to know, I am hurting badly. All the things that I’ve been saying were the things that “ought” to be said, plans that “ought” to be done; but the truth is, those are not what I “want.”
Kelan ba naging madali magmahal? Apparently, hanggang ngayon ay di pa din ako natututo. All the while, I keep on saying to myself, “Yeah, pain’s part of loving; so what the heck! Take the plunge!” Eh pucha, I took the plunge again, tapos ito na naman ako, nagngangawa… Pasensya na, alam ko naman na walang magbabasa nito so siguro, wala naman akong maiistorbong tao.
Eh ano ba talaga ang bumabagabag sa akin?
What else, but my tendency to save every lost soul in this damn world. Ika nga ni Jel, “Van, since college, yan lagi ginagawa mo. You’re trying to save every lost soul in this world, to the point that you forget what you really want and need coz for you, you have to consider someone else’s feelings before yours.”
Was Jel right? But I like to think I am a selfish person… coz I really think that I am. I get what I want nga, di ba? Or is this an illusion on my part?
Let’s examine this closely…
What do I want ba? I want to do things “rationally.” Kaya nga, most of the time, the things that I’m doing relies greatly on their “effects” to those people who are very dear to me. This is what I want. This is what I get. Am I selfish then? But there are times that doing these things hurt me so bad… it is as if, yung buong pagkatao ko, nasasaktan pero dahil masaya naman ang ibang mahal ko, okay na din sa akin. Masaya na din ako. Selfishness pa ba din yun?
May mga bagay akong gustong gawin, gusto kong mangyari pero di ko masabi o magawa dahil sa sobrang pagiging “rational” ko ay nawawalan ako ng lakas ng loob na ipaglaban ang mga ‘to. Mas gugustuhin ko pang mamuhay na nalulungkot kesa may nasira akong buhay o plano dahil sa gusto ko. Selflessness ba to?
Pero sa bandang huli, saan ba talaga ako sasaya? At teka nga, lahat ba ng bagay at pangyayari, pwede kang maging “rational?” Tanong ko lang, kasi ngayon, napapagod na ako sa pagiging ganun, eh samantalang may ibang tao na masaya naman sa pagiging go-by-the-flow.
Apparently, wala kayong naiintindihan. Sobrang sabog ang thoughts ko. Kahit nga ako, baka nga sa mga susunod na araw eh malilito din sa mga sinasabi kong to.
folders and files
November 5, 2008lahat ba ng bagay sa buhay, pwedeng i-categorize at i-folder?
ang saya siguro kung ganun noh? cguro, napaka-organize ng buhay nating lahat. pero teka, di ba,sa bawat opisina, sa bawat magaaral, kahit na sa computer natin, laging may folder for “Uncategorized” or “Unclassified” files… so talagang impossible pala na ilagay ang lahat sa exact folder. natural lang talaga na minsan, may maliligaw na mga bagay, pangyayari, at tao sa buhay natin…
at dahil jan, pwede bang magrequest na lang? pwede bang transparent na lang ung folder for the “unknown”?:) para at least, minsan, masilip mo kung ano na ung nasa loob, at ng di na maulit ulit ung unclassified na un? eh ang tanong, paano kung natabunan naman ng ibang unclassified? paano na un?
hay, ewan, wala akong sagot jan… basta ang alam ko, pwede ba, ilagay nyo naman ako sa purple na folder ng buhay nyo? wala lang…
next stop, Duchess!!!
My baby turned 3mos.! and we spent it with her vet… hahaha…
I can’t believe that I can be this attached to my dog. It seems like all the love that I could give (PAGING potential donor!:) ), sa kanya ko ibinibigay. And I’m happy doing it…
My friends asked me, “Bakit aso?” kasi considering that im asthmatic and all… Bakit nga ba hindi aso na lang ang mahalin mo? At least, ang aso, di nya ako papaasahin na suklian nya ang binibigay kong atensyon, pagmamahal at pagaaruga. Kung maging sweet at malambing sha, okay, super happy… Kung deadma lang sha at mas gusto nya pang ngatngatin ang printer cable ko o kaya ung mga tsinelas at sapatos sa bahay, okay lang at di ako massaktan kc bilang aso, ganun talaga sya…
Ngunit hanggang aso na lang ba ang kayang dumanas ng pagmmahal at pag aaruga ko? hay… minsan, napapaisip ako, sa bawat potential na relationship o karelasyon, “YOU DON’T KNOW WHAT YOU’RE MISSING.” hahaha..:) oo, kulang na lang magpalagay ng ad sa bawat sulok ng departamentong itoh, sa bawat kanto ng ortigas at pasig, sa bawat madilim na daan ng diliman na ako’y nangangailangan ng iba pang nilalang na aalagaan at mamahalin… Pero bilang isang Pilipina (eewww!), sympre, di ko maggawa yan… so more hintay na naman ako…
At habang naghhintay ako, for that someone na pwd kong mahalin at alagaan (eewww ulit!), may Duchess naman akong mamahalin, aalagaan, at higit sa lahat, PAGKAKAGASTUSAN!:)
I’m back…
October 30, 2008Hopefully, this blog will make it to my page…
Sayang, ang daming lumagpas na mga pangyayari na sana, sana nailagay ko dito. Para habang bago pa sa alaala ko ay nahuli ko at naisulat ko na sila. Pero sabi nga nila, kahit gaano man katagal na, ang mga alaalang ayaw mo naman talagang pakawalan o di kaya ay yung mga di pwedeng pakawalan ay hinding hindi mawawala sa alaala mo.
Oh, 1st stop na… Birthday ng ka-triumvirate ko, si joana.
Si Joana ay isang babaeng amazona… nyahaha…
partner-in crime ko to sa lahat ng aspeto. Minsan nga, sobrang magkadugtong na ata kmi, nattawag n kaming mag-jowa. Kaso, tested na ang matris na to. (Next stop, ako naman.. nyahahaha!!!:)) )
Sa araw ni Joana, quota ako sa kasinungalingan, para lang maging sorpresa lahat ng bagay bagay… Kaya ayun, buti na lang, wagi naman kami, masaya naman ang lolah dong namin.
Pero alam nyo ba kung anong mas nakakasorpresa? Ang attire naming triumvirate… here it is, tsadang! (NOTE: Di kmi nagusap… may pangyayari lang yata talagang ganito)
oha, di sadya yan… di kami nag usap… at ang mga “salarin ay naka white talaga na pants noh? hehehe… anyway, kung nagtataka kayo kung sino yung bunso namin, si ate llova yan… hahaha… tawag ko bunso kc…. go figure it out… para matulungan kayo sa pagiisip nyo, ito pa oh…
crazy talaga noh? imagine if our boss finds out we invaded his office… hahaha… speaking of craziness, hahaha… i dnt know wat got into their minds… they just wanted to do this… hahaha… honestly though, these two girls, they made my stay here bearable… without them, i dnt know if id last for a year here… well, thanks guys…
for you dong, wish you good health and more and more and more blessings… don’t worry, after every rain, there’s a rainbow… at the end of the rainbow, there’s a pot of gold.. hanapin mo na agad un, un ang sagot sa lahat ng bagay bagay.. nyahaha:))
anyway, love yah “girl friend” (o, may space yan at baka tsismis itoh!)… more baguio trips?!:)
NEXT STOP: Duchess 3rd Bday, Ate Eena’s Bday, Piglet’s Bday
wedding speech (from a friend)
October 14, 2008“During the time when I needed someone most, van was there and offered her help. Like a candlelight in my hour of darkness, she shone and showed me the way. The way to rebuild myself emotionally and believe again in my goals. The strength I draw from her allowed me to continue my journey uphill. My only wish now is to find someone, an angel like her, to give me inspiration like she did years ago. With that, Van thank you. Until now I still commit to our deal: I will say I love you only when I mean it…” - from a friend
a letter to a friend
so un, i lost a friend, but i got a daughter naman… DUCHESS! i think it’s a fair bargain, ryt? oh well, what a way to start my blog…
today, i sent a letter to a dear friend… that letter is our “moving on” letter…








