Home » Post Item » on getting stranded
"...we are the creator of our Universe, and that every wish that we want to create will manifest in our lives. Therefore, our wishes, thoughts, and feelings are very important because they will manifest." - The Secret

on getting stranded

September 11, 2009

una sa lahat, gusto ko lang batiin ang sarili ko ng “maligayang pagbabalik!” :lol: almost a month na ata akong namahinga sa mundo ng mga blogista. pero ngaun, dahil alas 7 pa lang ay nandito na ako sa office (at masyado akong nagmaganda at tinapos ko na ang TAMBAK na trabaho), naisipan ko na bumisita sa aking espasyo (pasok, ronda patrol! hehe.. :P ).

sa nagdaang mga araw, madaming kakaibang pangyayari ang dumating sa buhay ko. isa na jan ang pag-uwi ko sa aming munting kabukiran (ahihihi! inangkin ng bongga eh! :P ) na may dalang grasya, este, isang nilalang na malakas ang loob na sumama sa amin. ;) hehe (enter kilig giggle here)! anyway, kaya kami napauwi eh dahil na din sa kaarawan ng aking father earth na sadya namin pinasama ang loob for 2weeks - sa pamamagitan ng di pagsagot sa texts and calls nya at ang pagddrama na nakalimutan kung ano ang meron sa aug. 23-, para mas effective ang aming “tsuprise” beeday parteeh! in fairness, nakita naman namin na natuwa ang aking ama ng inambush namin sha - sa firing range. ;) at dahil andun na ang pagkakataon, eh di nagfiring na din kami. hehe! 1st time ko na pumutok and the adrenaline rush, OA! :P at dahil sa OA na adrenaline rush na yan, naipit pa tuloy ako at duguan na naman (na pinatibay naman ang loob ko sa pagsabi na “badge of courage and bravery” naman ang sugat at dugo na un; which is pinaniwalaan ko din naman. hehe! ;) ). at ang isa pa sa pinakapanalo sa lahat ay ang pagrenta ng isang DAMBUHALANG videoke machine. dambuhala kasi kinakailangan pa shang bitbitin ng 6 na mama (as in mama talaga) para lang maipasok sa bahay. :lol: at sympre, ang kainan portion na talaga namang inaabangan ng lahat. hehe! :) at sympre, pagkatapos akong/kaming patikimin ng sarap at kaligayahan, kalungkutan naman ang sumunod dahil uwian time na. :( oh well, hintay ulit ng pagkakataon na makauwi. hahay!

at dahil uwian na nga, balik trabaho na naman. at muli na naman akong napadeport sa baguio ng isang linggo. at sa (katangahan) katalinuhan ko, sa lahat ng pwede kong maiwan eh ung jacket ko pa. kamusta naman ang baga ko. ;) hehe!

at opkors, dito na po magsisimula ang kwentong “stranded” - ang aking paglalakbay ddduuunnn pa sa dakong norte :) (sana may isang malaking smiley icon here, para un ang aking ilalagay. pero wala eh, so ngiting simple na lang). the trip there was nerve-wracking as i dnt know what to expect. yeah, i’ve met “them” and actually “hang-out” with them several times but to actually share one roof with them… hhmmm. :) but apparently, my “fear” was unnecessary. they were as warm as ever. :) and my fave part was when one uncle called me by “that” name. haha! honestly, it was funny ;) (and tita, thanks for the blouse. :) )! the trip gave me my several firsts; first traditional/cultural wedding, first rice-wine drinking spree, walkathon sa gitna ng palayan, “hill”-climbing, duck-eating, at madaming madami pang first. ;) but ang pinaka-”memorable” sa mga first na yan ay ang pagiging stranded at ang magstay sa bus ng bonggang bongga habang tinatanaw ang napakahabang pila ng buses, trucks, at kung ano2x pa. at habang tinatanaw ko sila ay naisip ko, “kamusta naman ang opisina, malamang umiikot na mga utak ng mga tao na nandun dahil sa kinasasadlakan ko.”

at sa muli, naisip ko, dapat di na lang kami nagpumilit na bumiyahe pa-Manila. parang ganun din naman. at least kung nagstay pa kami, yumaman pa ng konti ang isawan dun dahil para akong hayuk na nilalang na ngayon lang nakatikim ng isaw. :D

now i’m back. and i’m forced to face the piles of “mess” i’ve left behind. hehe! at isa na dun ang hinayupak na photo recovery program na yan. so please, kung may nagbabasa po ng blog ko na medyo techie, pahingi naman ng full version ng PixRecovery (sa totoo lang, nagmamakaawa ako). hehe! tsalamat! ;)

at dito na muna magtatapos ang aking kwento. bilang balik sa pagiging empleyada ang inyong abang may-akda. :D

Posted by melancholicduchess at 9:56 am | permalink

Previous Comments

At nasan na ang ronda patrol? Napagod na yata kakawangwang.

Busyness is next to Ugliness.

Hay layp.

Aayaw-ayaw ka pa kuno ha.. sa kilig din pala papunta. Hahaha!

Posted by AnnaGanda at September 12, 2009, 10:48 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment